Biyernes, Hulyo 30, 2010

BRGY. LABAAN FIESTA APRIL 20-21, 2010

Ang barangay labaan fiesta ay sa taon na ito ay hindi nagkaroon ng mga palaro tulad ng mga nakaraan taon, naging dahilan ng mga barangay officials ay ang napipintong darating na election na ginanap noong May 10, 2010 ipinagbawal ang pagsusulisit para sana sa mga premyo ng palaro. Pero ang isang magandang kaganapan ay ang pagdaos ng BARANGAY LABAAN MISS GAY 2010 na ginanap noong April 20, 2010 ginanap mula alas 8:30 ng gabi hanggang ala 2:00 na ng madaling araw ng April 21, 2010.

Narito ang ilan sa mga videos sa talent portion ng Barangay Labaan Miss Gay 2010.






Lunes, Mayo 11, 2009

BARANGAY LABAAN FIESTA - 2009

April 20 gabi bisperas ng fiesta nagkaroon ng sayawan na tinugtugan ng (Stream Band mula Santa Ilocos Sur) sa plaza sa na pinamumunuan ni Barangay Capt. Bong Soriano at ang kanyang mga Barangay Kagawad, naging panauhin pandangal si Vice Mayor Jojo Aznar at ilang Sanggunian Bayan tulad ni SB Cristeto Cotchay at SB Dionisio Claveria, kumanta rin si Barangay Kagawad Boy Belen, at sumunod na kumanta si Abelardo Baula (Half Palang Half Labaan) ang paborito niyang awitin na 'Making Love Out Of Nothing At All' ng Air Supply (halatang hirap siyang hinahabol ng hininga dahil sa taas ng tono ng kantang ito) na tinugtugan ng Stream Band at sinundan naman pagkanta ni Romeo Liberato ng Open Arms ng Journey na tinugtugan ulit ng Stream Band, naging madalas naman ang pagsayaw ng mga Barangay Kagawad at ilang bisita galing sa ibang Barangay, sumayaw din ang mga balikbayan mula sa Hawaii at Canada. Ang naging emcee sa programa ay si Mrs. Julieta 'Huling' Perlas, pasalamatan din natin siya. Natapos naman ang sayawan at kantahan na payapa at salamat naman at walang nangyaring kaguluhan, pasalamat tayo sa mga Barangay Police na pinamumunuan ni Brgy. Police Chief Orlando Gaspar.


Brgy. Capt. Bong Soriano

Brgy. Police Chief Orlando Gaspar

Mga tagapanood
Mga tagapanood
Aleli (daughter ni Piyang) Auntie Talin, Mrs. Llaneza
Isa sa mga pormal na nanonood Joel Magalem mula sa Mausoc
Vice Mayor Geroldo Aznar, Brgy. Capt. Bong Soriano, SB Cristeto Cotchay
SB Cristeto Cotchay, SB Dionisio Claveria, Kagawad Reynie Crespo
Brgy. Kagawad Reynie Crespo habang nagtatalumpati
Stream Band

April 21, Alas 8:00 ng umaga nagkaroon ng misa sa Day Care Center salamat kay Fr. Rodel Abonto, kasalukuyang parish priest ng Bayan ng San Quintin, at pasalamat na rin tayo sa mga dumalo sa misa, isa rin sa mga dumalo sa misa ang aking misis na si Jill Florentino na nakabakasyon mula sa Dorchester City, England (United Kingdom). Pagkatapos ng misa ay wala na rin gaanong programa sa umaga hanggang sa tanghali maliban sa kainan at inuman na sinabayan ng pagkanta sa Videoke. Sa hapon ay may marathon at ang Championship ng basketbal ng Team Palang at Team Villa Mercedes, hindi natapos ang championship ng basketball dahilan sa ulan at itinigil ang laro sa 1st half pa lamang ang score ay 35-30 lamang ang Team Palang, ganon pa man pinaghatian ang premyo at napunta ang Championship sa Palang. Samalat at mapayapang natapos ang fiesta na walang nangyaring gulo kahit inulan ng malakas sa bandang hapon hanggang sa gabi ay okey lang.

Ang aking mga bisita Dr. Herman Barcena PHD, at ang mga miyembro ng Federacion.

Prof. Johnny Barcena

Mga videoke experts, Prof. Johnny, Dr. Herman (presently High School Principal of San Quintin National High School).

Tiyo Inciong at si Nong Dariong

Bisita ko ang Videoke King ng Vica, si Dante


Bisita ko rin mga kamaganak namin sa Mabongtot, Langiden Charles (Allis) Estimo at ang kanyang asawa at anak.

BASKETBALL TOURNAMENT:
Bago pa man sumapit ang fiesta ay nagkaroon muna ng basketball tournament at narito ang Barangay naki-participation.
1. Poblacion
2. Villa Mercedes
3. Labaan
4. Sitio Carsuan
5. Tangadan
6. Palang

Narito naman ang mga nanalo at silay binabati natin.
Champion - Palang
2nd Place - Villa Mercedes
3rd Place - Carsuan
4th Place - Tangadan
5th Place - Labaan
6th Place - Poblacion

CONGRATULATIONS SA TEAM PALANG AT SILA ANG NAG-CHAMPION.
Team Palang
Organizers Table at mga nanonood ng Basketball
Mga sumusubaybay sa basketball tournament

Sidro nanood din ng Championship ng Palang at Villa.



MARATHON
Ang Marathon ay nagumpisa sa VillaMercedes dumaan ng Labaan at tumuloy sa Poblacion tapos bumalik at nagtapos sa Labaan. Narito naman ang mga sumali sa Marathon:
1. Jovanie Florentino
2. Jovan 'Balot' Florentino
3. Raffy Florentino
4. Jeffrey Magalem
5. Jepong Sevilla
6.Louie Crespo
7. Roderick Gaspar

CONGRATULATION NAMAN SA MGA NANALO. AT PASALAMAT TAYO KAY LAILA FLORENTINO NA SIYANG NAGBIGAY SA MGA PREMYO PARA SA MARATHON.
Champion - Jovanie Florentino
2nd Place - Raffy Florentino
3rd Place - Jeffrey Magalem
4th Place - Jovan 'Balot' Florentino
Consulation Prizes:
5th Place - Roderick Gaspar
6th Place - Jepong Sevilla
7th Place - Louie Crespo


Jovanie Florentino - The Champion

Raffy Florentino - 2nd Place


Jeffrey Magalem - 3rd Place

Jovan 'Balot' Florentino - 4th
Place
Jovanie Florentino



Mga marathoners

Jeffrey Magalem
Balot Florentino
Laila Florentino
Siya ang kaisa-isang nagbigay ng premyo para sa marathon, pasalamatan natin siya. Sana sa susunod ay marami pa siyang katulong na magbigay para sa susunod na palaro tulad ng marathon at iba pa.

Muli nagpapasalamat tayo sa mga organizers ng basketball tournament oraganizers ng Marathon na pinamumunuan ni Barangay Kagawad Wilmar Mezario at Barangay Kagawad Diego Garces at higit sa lahat pasalamat tayo sa gabay at pamumuno ng fiesta at kasalukuyang Brgy. Captain ng Barangay Labaan walang iba kundi si Brgy. Capt. Bong Soriano. Pasalamatan din natin ang Farinas Family sa pagpapahintulot nilang magamit ang Plaza para mabuo ang Basketball tournament at iba pang aktibidad sa Plaza.
Hanggang sa susunod na fiesta magkitakita uli tayo, muli Maligayang Fiesta sa inyong lahat!!!

Linggo, Mayo 10, 2009

BARANGAY LABAAN FIESTA

Ang fiesta ng barangay labaan ay idinadaos tuwing ika 21 ng Abril. Ang fiesta ng Barangay ay nagumpisa noong April 2003 sa pamamagitan ng mga palaro tulad ng volleyball, singing contest at marathon ngunit hindi pa ito ganap na fiesta sapagkat hindi pa ito nabasbasan ng pari o simbahan. ngunit itinuturing na ito na ang umpisa ng fiesta ng labaan. Taong 2004, April 18 ay pormal ng nagumpisa ang fiesta ng Barangay sa pamamagitan ng isang misa sa gusali ng Day Care Center sa tabi mismo ng basketball court, bakit idinaos ang misa sa Day Care Center? sapagkat tanging ang barangay labaan lamang ang walang simbahan sa bayan ng San Quintin Abra. Sumunod na taon April 18, 2005 ay muling idinaos ang fiesta sa barangay labaan sa mismong plaza sapagkat kung sa Day Care Center ay may kaliitan ito. Sumunod na taon 2006 nabago ang petsa ng fiesta ng barangay ay naging April 21 dito nabanggit ng pari na ang Patron ng barangay labaan ay si San Roque sapagkat si San Roque ay patron ng mga magsasaka, sapagkat karamihan sa mga hanapbuhay ng taga labaan ay mga magsasaka. Simula noon ay nadeklarang April 21 na talaga ang fiesta ng Barangay Labaan.


MGA BARANGAY OFFICIALS NG BARANGAY LABAAN


MGA BARANGAY OFFICIALS NG BARANGAY LABAAN



Brgy. Captain Rodrigo 'Bong' Soriano Jr.

Kagawad Uldarico 'Boy' Belen - Namumuno sa Education

Kagawad Richard Zapata

Kagawad Amado Cabilan - Namumuno sa Agriculture

Kagawad Floro 'Orrong' Magalem

Kagawad Reynie Crespo - Namumuno sa Peace and Order

Kagawad Diego 'Igo' Garces

Kagawad Wilmar Mezario - Namumuno sa Sanitary and Health

Max Jimenes - Brgy. Treasurer

Orlando Gaspar - Brgy. Chief of Police

Martes, Marso 17, 2009

ANG LABAAN SAN QUINTIN ABRA - NGAYON

ISTORYA AT NASASAKUPAN
Para sa kaalaman ng lahat, ang Barangay Labaan ay dating bahagi ng Poblacion ng San Quintin, humiwalay lang noong 1887 sa pamamagitan ng Provincial Laws (batas provincia), sa pamumuno ng isang Don Hilario Pira noong panahon pa ng Espanol. Ang Barangay Labaan ay mayroong 5 sitios- Labaan proper, Vica, Mausoc, Carsuan at Cabaruyan. Ang barangay labaan ang pinaka maraming sitio sa boung bayan ng San Quintin.

LOKASYON / URI NG LUPA.
Ang Barangay Labaan ay nasa centro ng Munisipiyo ng San Quintin. Mula sa Hilaga (North) ay ang Poblacion, Brgy. Palang at Don Mariano (dating Sallakong) Bantay Ilocos Sur, mula sa Timog (South) Villa Mercedes at sa Silangan (East) Villa Mercedes at sa Kanluran (west) ang mabundok at kagubatan ng Santa Ilocos Sur. Ang Labaan ay mayroong sukat at lawak na 1572.2922 hectarya, puma-pangalawa ito sa pinakamalawak na Barangay ng San Quintin, Abra. Ang uri ng lupa ay clay, clay loam at sandy loam. Nagagamit ito sa Agrikultura, forestland at residential, mayroon lamang itong isang Day Care Center, itoy nagagamit para sa mga batang nais mag-aral sa kindergarten.

POPULATION, SALITA AT PINAGMULAN
Ang population ng Barangay Labaan ay base noong taong 2003 ay mayroon lamang population na 1000, sa lalaki ay 533 at sa babae ay 467 at mayroong kabahayan na 203. Ang mga pangunahing salita o lengwa sa Barangay ay Ilokano, tagalog at tingguians. Ilokano pa rin ang karamihan na lenguwa dito at mayroong iilan na nagsasalita ng tinggians o itneg sa mga sitios tulad ng carsuan at cabaruyan lalong lalo na ang mga matatanda, ang mga kabataan pangkaraniwan na nagsasalita sila tagalog at yong mga taga barangay na nakatira sa Metro Manila. Bagamat ang sina-unang salita dito ay ang tinggians at o itneg, pero sa paglipas ng panahon ay unti-unting ng natatabunan ng salitang ilokano at tagalog. Para sa kaalaman ng lahat ang tinggians o itneg ay nagmula sa mga naunang Indonesian na nakarating dito bago pa man dumating ang mga Malays. Sila yong mga mahilig tumira sa mga(uplands) bundok tulad ng mga Igorots sa Cordillera Regions tulad ng Mountain Province, Benguet, Kalinga, Apayao, Interior towns ng Ilocos Sur at sa Abra ay ang mga tingguians o Itneg. Ang salitang itneg ay nahati sa dalawa mayroong itneg indaya at itneg inlaud, ang itneg indaya ay yong mga itneg sa uplands sa salitang ilokano ay (sursurong), ang itneg inlaud ay yong mga nakatirang itneg sa lowland municipalities tulad ng Langiden, Pidigan, Penarubia at San Quintin. Sa San Quintin ang itneg ay nakakaraming (majority) salita sa mga barangay ng Palang at Tangadan.

PANGKABUHAYAN O TRABAHO
Ang Pangkabuhayan ng Labaan ay nakadepende sa pagsasaka o agrikultura at ang kanilang produkto ay bigas, mais, tabako, mga gulay tulad ng kamatis, talong, patani, kardis, sibuyas iloko, at pagaalaga ng manok, kambing, baka o (livestock) at marami pang iba. Ang iba pang lokal na pagkabuhayan ay ang pangingisda sa Abra river na mayaman sa mga isdang tabang tulad ng palileng, pasga, talangka, udang (fresh shrimp) at iba pang isda. Nakakaangat sa buhay ang mga pamilyang may OFW na nasa Saudi Arabia, Singapore, United Kingdom at Canada. Mayroon din pamilya na migrated sa Hawaii at Canada sila yong mediyo nakakaangat sa pamumuhay.

PROGRAMA NG BARANGAY
Ang Barangay Labaan ay mayroong programa sa spring development at artesian well para sa mga tao. Mayroon silang goat dispersal, construction ng barangay plaza, repairmen sa kanilang basketball courts, mayroon silang maintenance sa kanilang street lights at barangay nursery. Ito ay pinupunduhan taon-taon ng Internal Revenue Allotment (IRA). Ang isang proyekto para sa patubig na sponsored ng Kalahi foundation ay katatapos lamang, ang plano ay patutunguhin ng tubo sa bawat bahay at malagyan ng isang gripo, at may mga suggestion na malagyan ng metro ang isang consumer. May mga artesian well naman na maaring makapag-igib ang publiko. May ilang pamilya sa barangay na mayroon sariling water system na pinapagana ng electric motor.

PAPAANO NAGKAROON NG PLAZA
Ang kinalalagyan ng basketball court ng Labaan ay donation ng magkapatid na Isidro Farinas at Isaias Farinas noong taong 1970's na sila yong nagmamay-ari ng lupa na kinatitirikan ng plaza o basketball court. Sila yong nakapag lagda (signature) sa 'Deeds of Donation' kasama na ang lagda ng Barangay Captain sa taon na yon. Ang kinatitirikan ng plaza, Day Care Center, Barangay Hall ay dating makahoy at bulubundukin sa tulong ng mga tao sa Barangay ito nilinisan at pinatag pagkatapos ay tinayuan ng Plaza, sumunod yong Day Care Center at maliit na Barangay Hall. Ang problema ngayon hindi ay pinapayagan ng mga iba pang kapatid ng mga nagdonate sa lupa na pagandahin at magkaroon sana ng reconstruction sa plaza dahilan para masayang ang mahigit 200 bags ng cemento para mare-surface at malagyan at matayuan ng bagong basketball court noong 2002. Sapagkat hindi daw sila nakapaglagda (SIGNATURE) sa Deeds of Donation. Ito ang mga dahilan kung bakit hindi mapaganda ang plaza ng Barangay Labaan. Ang suggestion ni Barangay Captain Bong Soriano, kung hindi ito maresolba ay babayaran na lang ito , at may mga nagsasabi din na bibili na lang ang Barangay ang panibagong lote para gumawa na lang ng panibagong plaza, ang suggestion na ito ay kailangan ng libo-libong kundi man milyones na pera, mukhang malabong mangyari ito sapagkat umaasa lang ang Barangay sa Internal Revenue Allotment (IRA). Ang Maganda siguro kausapin at kumbinsihin na lang ang mga may-ari ng lupa na TULUYAN ng i-donate sa barangay at payagan na pagandahin ang plaza sapagkat may mga apo at anak pa naman sila na mangangailangan at maglalaro sa plaza at higit sa lahat kailangan ng barangay ang plaza (kahit may dati ng Deeds Of Donation) lalong lalo na sa tuwing fiesta ng Labaan. Magandang simula ito para sa kapakanan ng mga pamilya ng Donors sapagkat makakatulong sila sa mga tao ng Barangay Labaan. at darating ang panahon na kakailanganin din nila ang mga taong barangay. Kailangan din ng Labaan ang simbahan, tanging ang Labaan lang kasi ang walang simbahan sa bayan ng San Quintin, kaya yong mga may magandang kalooban na makapagbigay ng lote para tayuan ng simbahan lalong lalo na ang mga pamilya ng nagmamay-ari ng kinatatayuan ng plaza at Day Care Center baka pwede niyong i-donate yong bakanteng lote sa tabi ng plaza, itoy magandang tulong sa barangay at simbahan para magkaroon na ang barangay ng sariling simbahan.


Pero nagpapasalamat na rin tayo sa mga Farinas Family ng Labaan sapagkat kung wala ang pamilyang ito ay walang nakatayong Plaza, Day Care Center at Mini Barangay Hall at least kahit hindi naman tuluyang naido-donate yong lupang kanalalagyan ng Plaza, Day care center at barangay hall ay pinapayagan naman nilang ipahiram at magamit ng mga taong Barangay. Ang wish natin sana ay magkaroon na tayo ng sariling simbahan para sa Barangay Labaan.

ANG MGA NAHALAL NG TAONG 2007 AT KASALUKUYANG BARANGAY OFFICIALS.

Barangay Kapitan - Rodrigo 'Bong' Soriano Jr.
Mga Barangay Kagawad:1. Uldarico Belen 2. Richard Zapata 3. Amado Cabilan, 4. Floro Magalem 5. Reynie Crespo 6. Diego Garces 7. Wilmar Mezario
Barangay Secretary - Bernadette Lumapag
Barangay Treasuer - Max Jimenez
Sanggunian Kabataan (SK) - Irish Lalaine Llaneza

MGA BARANGAY TANOD.
Orlando Gaspar EX-O, Edmundo Salvador, Elmer Parado, Petronilo Aguilar, Ruel Cabilan, Jaime Galanto, Ricky Quintana, Randal Lechugas, Frankie Quintana, Leoncio Pira, Lino Sevilla, Morato Rosario, Ronnie Aquino, Jerry Garde, Dionisio Cabilan, Noly Hilario, Prudencio Singson, Ernesto Salvador, Charlie Ricanor at Alfredo Ramos.

FIESTA AT PALARO (Tournaments)
Ang fiesta ng Labaan ay tuwing April 21, at kanilang Patron Saint ay si San Roque, sapagkat si San Roque ay patron ng mga magsasaka, karamihan kasi ikinabubuhay sa Barangay Labaan ay ang pagsasaka. Bago pa man dumating ng araw ng fiesta ay mayroong palaro sa Barangay, nandiyan ang Volleyball at Basketball mayroon din pasayaw tuwing gabi ng sabado bago pa man dumating ang araw ng fiesta na dito pinagkukunan ng pundo para sa papremyo ng liga ng basketball, volleyball at parlor games. Tanging ang Sitio Vica ang mayroon fiesta sa 4 na sitio na nasasakupan ng Barangay Labaan tuwing ika 19 ng Marso ang selebrasyon.

TELECOMMUNICATION, TELEVISION AT RADIO STATIONS
Pagdating sa Communication ang Labaan ay nabiyayaan ng magandang signal, ang signal ng Globe Telecom at Smart Telecom ay malakas ang signal dito, lalong lalo na ang Globe, hindi problema ang pagtawag at ang pagte-text sa kani-kanilang cellphones. Pagdating din sa Television reception, ang signal ng Channel 2 ng ABS-CBN at Channel 7 ng GMA ay napakalinaw na napapanood mayroong ibang lugar sa San Quintin na hindi malinaw na napapanood ang mga TV Station na ito, bahagyang nasasagap din ang Studio 23 at Channel 5 kahit hindi gaanong malinaw, (puwera lang ang RPN-9, IBC-13 at NBN-4 mga government owned TV Station pawang mga mahihinang TVStation) kaya updated ang mga tao dito ng balita at nakakapanood sila ng paborito nilang programa sa kanilang TV sets. Local AM/FM Radio station ng Bangued, Vigan, Baguio City, San Fernando at Laoag City ay nasasagap dito at kung maganda ang panahon ay nasasagap rin ang AM at FM Station mula sa Metro Manila, lalo na sa gabi malakas ang signal ng DZRH at DZMM.

PANGUNAHING ATTRACTION
Ang pangunahing tourist attraction dito ay ang 'foot prints' ni Angalo o Allano sa ilokano 'tugot ni angalo' na makikita sa Sitio ng Cabaruyan mga 6 na kilometro kanluran ng Labaan proper ito ay malapit na sa Banawang bridge sa Santa Ilocos Sur. May mga magagandang tanawin pa sa ilang lugar sa ilog ng carsuan, sa ilog ng supakan at sa mga bundok ng malakneg malapit sa sitio ng Mausoc. Pagmasdan natin ang ilang larawan ito ay kuha sa Labaan proper at sa mga bukid at ilang insfrastructura.




Footprint of Angalo - Cabaruyan, Labaan San Quintin Abra

Nagsamban bridge - Labaan San Quintin Abra

BoldMunicipal Road - Labaan San Quintin Abra
Mountain view of Labaan Proper