Linggo, Mayo 10, 2009

BARANGAY LABAAN FIESTA

Ang fiesta ng barangay labaan ay idinadaos tuwing ika 21 ng Abril. Ang fiesta ng Barangay ay nagumpisa noong April 2003 sa pamamagitan ng mga palaro tulad ng volleyball, singing contest at marathon ngunit hindi pa ito ganap na fiesta sapagkat hindi pa ito nabasbasan ng pari o simbahan. ngunit itinuturing na ito na ang umpisa ng fiesta ng labaan. Taong 2004, April 18 ay pormal ng nagumpisa ang fiesta ng Barangay sa pamamagitan ng isang misa sa gusali ng Day Care Center sa tabi mismo ng basketball court, bakit idinaos ang misa sa Day Care Center? sapagkat tanging ang barangay labaan lamang ang walang simbahan sa bayan ng San Quintin Abra. Sumunod na taon April 18, 2005 ay muling idinaos ang fiesta sa barangay labaan sa mismong plaza sapagkat kung sa Day Care Center ay may kaliitan ito. Sumunod na taon 2006 nabago ang petsa ng fiesta ng barangay ay naging April 21 dito nabanggit ng pari na ang Patron ng barangay labaan ay si San Roque sapagkat si San Roque ay patron ng mga magsasaka, sapagkat karamihan sa mga hanapbuhay ng taga labaan ay mga magsasaka. Simula noon ay nadeklarang April 21 na talaga ang fiesta ng Barangay Labaan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento