April 20 gabi bisperas ng fiesta nagkaroon ng sayawan na tinugtugan ng (Stream Band mula Santa Ilocos Sur) sa plaza sa na pinamumunuan ni Barangay Capt. Bong Soriano at ang kanyang mga Barangay Kagawad, naging panauhin pandangal si Vice Mayor Jojo Aznar at ilang Sanggunian Bayan tulad ni SB Cristeto Cotchay at SB Dionisio Claveria, kumanta rin si Barangay Kagawad Boy Belen, at sumunod na kumanta si Abelardo Baula (Half Palang Half Labaan) ang paborito niyang awitin na 'Making Love Out Of Nothing At All' ng Air Supply (halatang hirap siyang hinahabol ng hininga dahil sa taas ng tono ng kantang ito) na tinugtugan ng Stream Band at sinundan naman pagkanta ni Romeo Liberato ng Open Arms ng Journey na tinugtugan ulit ng Stream Band, naging madalas naman ang pagsayaw ng mga Barangay Kagawad at ilang bisita galing sa ibang Barangay, sumayaw din ang mga balikbayan mula sa Hawaii at Canada. Ang naging emcee sa programa ay si Mrs. Julieta 'Huling' Perlas, pasalamatan din natin siya. Natapos naman ang sayawan at kantahan na payapa at salamat naman at walang nangyaring kaguluhan, pasalamat tayo sa mga Barangay Police na pinamumunuan ni Brgy. Police Chief Orlando Gaspar.
April 21, Alas 8:00 ng umaga nagkaroon ng misa sa Day Care Center salamat kay Fr. Rodel Abonto, kasalukuyang parish priest ng Bayan ng San Quintin, at pasalamat na rin tayo sa mga dumalo sa misa, isa rin sa mga dumalo sa misa ang aking misis na si Jill Florentino na nakabakasyon mula sa Dorchester City, England (United Kingdom). Pagkatapos ng misa ay wala na rin gaanong programa sa umaga hanggang sa tanghali maliban sa kainan at inuman na sinabayan ng pagkanta sa Videoke. Sa hapon ay may marathon at ang Championship ng basketbal ng Team Palang at Team Villa Mercedes, hindi natapos ang championship ng basketball dahilan sa ulan at itinigil ang laro sa 1st half pa lamang ang score ay 35-30 lamang ang Team Palang, ganon pa man pinaghatian ang premyo at napunta ang Championship sa Palang. Samalat at mapayapang natapos ang fiesta na walang nangyaring gulo kahit inulan ng malakas sa bandang hapon hanggang sa gabi ay okey lang.
BASKETBALL TOURNAMENT:
Bago pa man sumapit ang fiesta ay nagkaroon muna ng basketball tournament at narito ang Barangay naki-participation.
1. Poblacion
2. Villa Mercedes
3. Labaan
4. Sitio Carsuan
5. Tangadan
6. Palang
Narito naman ang mga nanalo at silay binabati natin.
Champion - Palang
2nd Place - Villa Mercedes
3rd Place - Carsuan
4th Place - Tangadan
5th Place - Labaan
6th Place - Poblacion
Bago pa man sumapit ang fiesta ay nagkaroon muna ng basketball tournament at narito ang Barangay naki-participation.
1. Poblacion
2. Villa Mercedes
3. Labaan
4. Sitio Carsuan
5. Tangadan
6. Palang
Narito naman ang mga nanalo at silay binabati natin.
Champion - Palang
2nd Place - Villa Mercedes
3rd Place - Carsuan
4th Place - Tangadan
5th Place - Labaan
6th Place - Poblacion
CONGRATULATIONS SA TEAM PALANG AT SILA ANG NAG-CHAMPION.
MARATHON
Ang Marathon ay nagumpisa sa VillaMercedes dumaan ng Labaan at tumuloy sa Poblacion tapos bumalik at nagtapos sa Labaan. Narito naman ang mga sumali sa Marathon:
1. Jovanie Florentino
2. Jovan 'Balot' Florentino
3. Raffy Florentino
4. Jeffrey Magalem
5. Jepong Sevilla
6.Louie Crespo
7. Roderick Gaspar
CONGRATULATION NAMAN SA MGA NANALO. AT PASALAMAT TAYO KAY LAILA FLORENTINO NA SIYANG NAGBIGAY SA MGA PREMYO PARA SA MARATHON.
Champion - Jovanie Florentino
2nd Place - Raffy Florentino
3rd Place - Jeffrey Magalem
4th Place - Jovan 'Balot' Florentino
Consulation Prizes:
5th Place - Roderick Gaspar
6th Place - Jepong Sevilla
7th Place - Louie Crespo

Siya ang kaisa-isang nagbigay ng premyo para sa marathon, pasalamatan natin siya. Sana sa susunod ay marami pa siyang katulong na magbigay para sa susunod na palaro tulad ng marathon at iba pa.
Muli nagpapasalamat tayo sa mga organizers ng basketball tournament oraganizers ng Marathon na pinamumunuan ni Barangay Kagawad Wilmar Mezario at Barangay Kagawad Diego Garces at higit sa lahat pasalamat tayo sa gabay at pamumuno ng fiesta at kasalukuyang Brgy. Captain ng Barangay Labaan walang iba kundi si Brgy. Capt. Bong Soriano. Pasalamatan din natin ang Farinas Family sa pagpapahintulot nilang magamit ang Plaza para mabuo ang Basketball tournament at iba pang aktibidad sa Plaza.
Hanggang sa susunod na fiesta magkitakita uli tayo, muli Maligayang Fiesta sa inyong lahat!!!